About Manila Gay Guy

I say again, “World Peace!”

Feed Subscriptions

RSS FeedRSS Things
RSS Comments

Archives

This thing was constructed on March 18, 2008, and it was categorized as Migs Speaks.
You can follow comments through the RSS 2.0 feed. You can leave a comment, or trackback.

Dahil kuwaresma naman, panahon ng pagmumuni-muni, naisipan kong isulat ito. Minsan kasi may mga bagay tayong ginagawa, na kapag nagkaroon tayo ng pagkakataong makapag-isip, tatanungin natin, “Bakit ko nga ba ginagawa ito? May kabuluhan nga ba ito?” Pakibasa, at sabihin ninyo naman sa akin kung may kabuluhan nga ba ang pagba-blog ko dito sa ManilaGayGuy.com (MGG). May saysay ba para sa inyo ang MGG?

* * *

Matagal-tagal na rin pala akong nagba-blog. Mahigit isa’t kalahating taon na rin. Tandang-tanda ko pa, nung una kong naapuhap yung ideyang magkaroon ng blog, sabi ko, ano kayang concept? Basta naisip ko nun, gagawa ako nung may mga litrato ng makikisig na lalaki, pero ayoko naman ng malalaswa. Naughty, not raunchy, sabi ko nga. Tapos, lalagyan ko ng kung anu-anong salaysay tungkol sa mga kaganapan, karanasan, at mga lugar na may kinalaman sa kabadingan. Di ko pa alam noon kung papatok, o kung mayroong magta-tiyagang magbasa. Di ko akalain umpisa pala yun ng mga pangyayaring ni sa panaginip eh di ko napagtanto.


“Aba, kakaiba ito!”

Nagsimulang lumobo ang bilang ng mga nagbabasa ng MGG nung bandang Disyembre 2006. Tuwang-tuwa ako nun, grabe! 1,000% growth ba naman ng traffic. Sabi ko, aba kakaiba ito. Pero di lang pala yun ang mga mangyayari.


Blogger Friends

Nakatagpo ako ng mga kaibigang kapwa ko mahilig magsambulat ng lagim sa pamamagitan ng pagba-blog. Laking pasasalamat ko at nakilala ko sila — mga tunay na ka-MGG, mapa-online o offline, mga kaututang-dila, mga kasangga, katawanan, kabagang, kasamahan sa lakwatsahan, pati na rin sa mga usapang minsan may kababawan, minsan may kalaliman. Sinubukan naming mag-blog sa pamamagitan ng mga boses namin (kung tawagin ay podcast) at dahil dito, may dahilan kaming magkita-kita ng madalas-dalas. Sarap katropa ng mga ‘to. Nandiyan si Gibbs Cadiz (ang aming Binibini Apolinario Mabini, matalino pero sinliit ng kuko, hehehe!), si McVie (ang komikerong maton na walang humpay ang punchline), si AJ (ang fashionista, sosyalera, sa una ay mala-Celia Rodriguez pero sa kalauna’y Ruby Rodriguez, mataba pala ang puso niya), si Tony (ang maskuladong badet na mahilig pumadyak na parang kiming schoolgirl tuwing makakakita ng mga boylet na type niya), at si CC (ang kapita-pitagang presidentita ng isang kumpanya, itinuturing kong pinaka-bonggang bading blogger sa balat ng corporate world). Sila ang mga Fabcasters kung tawagin, mga katuwang ko sa pagpo-podcast at sa tunay na buhay bading.


Dear Migs…

Lumaon pa at nagsimula na ring ulanin ng mga liham ang aking inbox galing sa mga mambabasa ng MGG ukol sa kani-kanilang suliranin. Nung una, pakiramdam ko ang laki-laking responsibilidad naman yata ang maging tagapayo sa mga mambabasa ko. Kasi naman, napakarami at tunay namang sari-sari ang mga kuwentong natatanggap ko. Merong babaeng sawi dahil ang asawa niya’y may queridang bading, may bading na todo guilty dahil sa pagpapatiwakal ng kanyang kaibigang minsa’y kanyang pinagnasahan at kinalantari, at nariyan din ang mga panaka-nakang tagong bading na sumulat upang maghahanap ng katiwasayan dito sa mundong sa kanilang paningin ay sarado sa mga tulad nilang ang gusto ay kapwa nila lalaki. Napakaraming katanungan, ngunit dahil na rin sa mga masusugid na tagasubaybay ng MGG, napakarami ring kasagutan ang naihain na dahil lamang sa munting blog na ito.


Kuwento Ko Rin

Naglakas loob din akong ihain ang mga nangyayari sa aking buhay pag-ibig. Pagkaminsa’y binabalikan ko at binabasa ang mga naisulat ko tungkol dito. Walang mintis, napapangiti ako at minsan pa’y napapatawa ng mag-isa dahil sa kakengkoyan ko pagdating sa pag-ibig. Pero siyempre, dahil tao lang, minsan napupukaw din ng aking pagbabalik tanaw ang mga ka-dramahan ko. Sa ganitong paraan, nakikita ko na tunay na makapangyarihan ang pagsusulat, ang pagba-blog. Hindi lang dahil marami ang nakababasa nito, kundi dahil ang manunulat mismo ay paulit-ulit na natututo dahil nababalik-balikan niya ang dati niyang mga karanasan.


“Sikat!”

Dahil na rin siguro kung sinu-sino na ang nakapagbasa at nakarinig tungkol sa MGG, nakakatuwang isipin na may ilang mga prominenteng tao sa industriya ng media ang nagbigay pugay na sa blog na ito. Na-cite at nailathala na ang MGG sa Philippine Daily Inquirer, sa Icon (sumalangit nawa ang kaluluwa ng magasin na ito), at sa ilan pang gay-related publications. Sikat! Naimbitahan na rin ako ng maka-ilang beses na sumulat bilang contributor sa isang pahayagan. Mayroong isang film distributor sa Amerika ang sumulat sa akin dahil interesado siyang i-market ang ilang indie films natin (na na-feature sa MGG). May mga may-ari ng produkto at establisimento (karamihan ay nasa industriya ng pagpapaganda) ang sumubok magpalathala sa MGG bilang advertisers. At nitong nakaraang buwan lamang, may isang direktor ang lumapit sa akin at humingi ng permisong gawing karakter si “Migs” sa kaniyang susunod na pelikula (artista ka na, MGG!). Lahat ng atensyong ito’y tunay na nakatataba ng puso.


Mga hindi natuwa

Pero sa totoo lang, di naman lahat ng nangyari mula ng nag-blog ako ay masaya. Dahil na rin siguro sa atensyong nakukuha ng MGG, mayroon ding mga taong hindi natuwa. Mayroong mga nagparatang na ilusyon lang ang mga nasusulat dito, partikular na ang mga kuwentong nailathala ko tungkol sa aking mga karanasang pag-ibig. Kesyo napakagaling ko raw manggoyo ng mga mambabasa, at napa-ikot ko sila sa pamamagitan ng aking husay sa pagsusulat (tenkyu poh!). Kahit hindi ko maintindihan ang kanilang intensyon, tinanggap ko ng buong puso na may iba silang gustong paniwalaan, na kahit ano pang pagbabale-balentong ang aking gawin ay di sila magpapapigil sa paniniwalang sinungaling ako. Kaya, dahil na rin siguro sa paniniwala kong ang paninira at pambabatikos ay normal sa mundong ito, taas-noo kong binale-wala ang mga paratang na iyon. Ipokrito ako kung sasabihin kong di ito nakakasakit, o na wala akong pakialam kung ano ang sabihin ng ibang tao. Siyempre, may pakialam ako. May pakialam ako dahil buhay ko ito, blog ko ito, at higit sa lahat, alam ko, sa kaibuturan ng puso ko, kung ano ang totoo. Ipaglalaban ko ba ito kung kinakailangan? Oo. Kinakailangan nga ba? Sa tingin ko ay hindi. Naisip ko rin na may mas importanteng bagay ang puwede kong pagtuunan ng pansin. Mga bagay na makapagpapabuti sa buhay ko at sa buhay ng mga tao sa paligid ko.


All in all

Kung isusuma-total ang karanasan ko mula ng ako’y magsulat dito, masasabi kong nangingibabaw pa rin naman ang mga magagandang bagay at pangyayari. Nagpapasalamat ako sa mga taong sumusubaybay ng MGG, lalong-lalo na yung mga nag-iiwan ng kanilang comments. Mabuhay kayong lahat! At bago ko tapusin ang post na ito, gusto kong ibahagi ang 3 kadahilanan kung bakit patuloy pa rin akong nagsusulat dito sa MGG.

Una, dahil sa pagsusulat dito ay natutulungan ko ang aking sariling maging mas bukas ang isip at may natatanging pagpapahalaga sa bawat pangyayari habang ito ay nangyayari. Sa ingles, tinatawag itong “mindfulness.” Ikalawa, napupukaw ng blog nito ang aking pag-asa — iyun bang pakiramdam na bagaman at maraming di magagandang nangyayari, sa kalauna’y paparoon din sa kaayusan ang lahat. World Peace nga di ba? Ikatlo’t huli, sa pakikipagtalastasan ko sa pamamagitan ng MGG, lumalago ang aking pang-unawa at pakikipag-saloobin. Ang bawat sulat o komentong aking natatanggap mula sa inyo ay tila ba mga piyesa na nabubuo upang maging isang mas malakas at mas mapang-unawang ako.


Salamat

Kaya naman wala kayong maririnig mula sa akin kung hindi salamat, salamat, salamat. Salamat sa blogging, salamat sa aking mga kaibigan, salamat sa mga di-gaanong kaibigan, at higit sa lahat, salamat sa inyong lahat na bumabasa sa akin: tandaan ninyong kahit sa maliit mang paraan, bahagi kayo ng aking pagbagtas sa buhay na ito bilang isang nagpapakabuting tao. Salamat.

Possibly Related Posts:

  1. Matt, the Military Gay Guy Reader Matt writes about his life in the closet. Let’s...
  2. Happy 2nd! Today, MGG turns two years old! TWO is such...
  3. Ang Lihim Nating Lahat Have you seen the movie, “Ang Lihim Ni Antonio”?...
  4. Drama Queens This Is For You “I can’t live without you, because I will love you...
  5. A tribute, and a story Once in a while I get letters that deeply touch...

This thing was constructed by .


You can follow comments through the RSS 2.0 feed. You can leave a comment, or trackback.

This thing has 23 Comments

  1. Beat13
    Posted March 18, 2008 at 9:06 pm | Permalink

    God Bless..

    [Reply]

  2. mightymikee
    Posted March 18, 2008 at 10:17 pm | Permalink

    Mas masaya ang mundo ko kasi andyan palagi ang Manila Gay Guy…Salamat Migs, hopefully makita at makasama kita bago ka sumikat at lalong makilala…

    [Reply]

  3. mightymikee
    Posted March 18, 2008 at 10:18 pm | Permalink

    I’ve tried to surf to other gay blogs but you’re the best. Kip it up, you inspires PLU.

    [Reply]

  4. blackphoenix
    Posted March 18, 2008 at 10:38 pm | Permalink

    hmm…i not regular visitor here but i guess ur blog make me feel happy

    keep it up!
    just enjoy everything…

    [Reply]

  5. Posted March 19, 2008 at 12:06 am | Permalink

    Amen! =)

    [Reply]

  6. mario
    Posted March 19, 2008 at 12:52 am | Permalink

    mabuhay ka migs…hindi mo man ako kilala at hindi pa man tayo nagkakakilala…rest assured u have my support and the rest of us, of course…GODSPEED.

    [Reply]

  7. rommel
    Posted March 19, 2008 at 3:08 am | Permalink

    Taray ni bakla sikat na talaga at may detractors pa. Seriously, thanks for creating this blog, I have been entertained and I can truly sense you have a good heart. Maraming bakla ang mayayabang, mapagmataas at mahilig manira. I have been hating myself all my life for being gay. Its hard. And just knowing there are gays out there who have good hearts make it a little bit easier. Mabuhay ka Migs!

    COMMENT FROM MIGS:Salamat Rommel. I’d like to think those who you refer to as “mayayabang, mapagmataas at mahilig manira” are that way only because they need a defense mechanism to the not-so-good experiences they have gone through. I keep this mind all the time so that I do not fall into the trap of hating anyone whose behaviors I do not agree with. I assure you a lot of gay guys do have good hearts. Thanks for being here, and let’s help make this world a little bit easier to live in especially for people like us. World Peace!

    [Reply]

  8. imladris
    Posted March 19, 2008 at 9:08 am | Permalink

    luv ur blog. keep it up. thanks for everything.

    an avid reader from Southern California.

    [Reply]

  9. Posted March 19, 2008 at 10:42 am | Permalink

    god bless and world peace

    [Reply]

  10. Posted March 19, 2008 at 10:46 am | Permalink

    Mabuhay ka Migs!
    Sana damihan mo pa entries kasi halos 5 beses akong bumisita dito eh (homebase kc trabaho ko kaya pag nagbreak ako;nagbababasa ako dito)Hugs.

    [Reply]

  11. fratboyinthecloset
    Posted March 19, 2008 at 11:03 am | Permalink

    galeng galeng ng ate migs. *clap* *clap*
    .
    keep it up ‘teh! hehe
    .
    Matagal tagal ka na ring nag bblog
    Itinatayo ang bandera ng mga chiksilog
    Ginagaya, pero di mapantayan
    Sinisinta, pero di masilayan
    .
    Mabuhay ka migs!
    Gandang lola, mamayagpag!
    Go gurl, go gurl!
    .
    P.S. Naloka ako na magaartista na ang “migs” at me character portrayal pa. Kung sakali sinong artista ang gusto mong gumanap sayo? hehe. me naiisip na akong kamukha mo… secret… :)

    COMMENT FROM MIGS: Naughty boy, you fratboyinthecloset,… you naughty boy! Hehehe!

    [Reply]

  12. william
    Posted March 19, 2008 at 12:41 pm | Permalink

    araw araw kong inioopen ang site na ito at
    masaya bilang gay nakakarelate ako sobra
    more power to you

    [Reply]

  13. Posted March 19, 2008 at 1:13 pm | Permalink

    i love MGG! Mabuhay ka Migs and keep spreading the faggotry! w00t!!!

    http://www.mckhoii.com

    ^_^

    [Reply]

  14. Posted March 19, 2008 at 2:05 pm | Permalink

    Hi Migs,
    Congratulations and more power. I do believe that persons (any person) can make a difference in the life of others. You are one of those persons. I want to e-mail you personally. Is your e-mail address the only e-address that you have? Anyway, thanks for being there. God bless.

    COMMENT FROM MIGS: “I do believe that persons (any person) can make a difference in the life of others.” I agree with you, Ric. My e-mail address is manilagayguy@gmail.com — will be awaiting for your e-mail.

    [Reply]

  15. Posted March 19, 2008 at 3:17 pm | Permalink

    wow! tagalog for a change!
    im glad i found this blog migs. great work here.

    kai
    http://www.outandabout.co.nr

    [Reply]

  16. Posted March 19, 2008 at 3:40 pm | Permalink

    Hi migs! Im so glad MGG is here. Marami talaga itong nagawa sa buhay ko and I’m sure marami din itong natulungan. Yung mga hindi natuwa ay mga inggit lang. Hahaha! Btw, sana po ay ma-add ako sa pinoygayblogs. Godspeed and more power!

    [Reply]

  17. Mugen
    Posted March 19, 2008 at 7:50 pm | Permalink

    Naalala ko yung entry na “bitterness and lies,” sapagkat sa aking pagkakatanda, yun ang unang beses na tumayo ako para sa isang blogger, na kahit hindi ko man gaano kakilala ay buo pa rin ang pagtitiwala ko.

    Hindi ako madalas nagpupunta rito sapagkat sa maraming pagkakataon ay hindi rin ako ganoong lubusang nakakarelate sa mga kwento. Pero sa una pa lang, alam kong nang maging bahagi ako ng blog na ito, lubus na lumawak ang aking mundo. Marami man akong koneksyon sa blog ko ngunit dito ko naranasan mag reach-out sa lahat.

    You touched so many lives and one of those lives you have moved was mine.

    I hope you would continue writing stories about us. I might not be that present in your comment box but you know that I’m on your side. Hanggang sa muli. Lagi mo sanang tandaan na gaano man kadaming batikos ang iyong matanggap sa hinaharap,

    hinding hindi ka nag-iisa.

    COMMENT FROM MIGS: Mugen, salamat. You’ve been one of my source of strengths, believe it or not. When we met last December, and when I introduced you to some of my friends, do you remember what I said when I introduced you to them? Remember that. Be well and keep in touch.

    [Reply]

  18. fattyacid
    Posted March 19, 2008 at 11:20 pm | Permalink

    salamat sa MGG, Migs!

    [Reply]

  19. Posted March 20, 2008 at 12:18 am | Permalink

    actually 4 days palang ako dito sa site ni migs pero sobrang na attract agad ako sa blog na ito,, hindi kasi siya bastos na blog at lahat ng mga nag cocoment mga magagaling at my sense na tao..kaya sobrang nahalina talaga ko..Ü

    I hope this blog will last forever coz it helps our fellow people to open and share there thoughts,,thank you for creating this site migs:)

    P.S. dont forget yung request ko sa email mo ha i feature mo naman si AJ PEREZ dito..kahit after semana santa na lang..aasahan ko yan,,,hehe thanks nag request pa daw ba diba,,hihi:)

    [Reply]

  20. Posted March 21, 2008 at 10:20 am | Permalink

    Isa kang inspirasyon sa mga aspiring bloggers, well at least you are, for me.

    More powers to you Migs, nawa’y wag kang magsawa sa pagsulat.

    Mabuhay ang MGG, witha pompoms!

    [Reply]

  21. Posted March 21, 2008 at 11:02 am | Permalink

    to my idol-blogger

    thanks for making our nights hotter (with those pictures)
    thanks for making our days wiser (with your opinions, your thoughts)
    thanks for making our future brighter (with the hopeful, congenial theme of your blog - World Peace)
    thanks for making me blog, too

    cc

    [Reply]

  22. jack
    Posted March 22, 2008 at 9:13 am | Permalink

    I too like this site very much, may puso kasi….wish you all the best migs :)

    [Reply]

  23. Posted March 25, 2008 at 8:07 pm | Permalink

    na miss ko narin tong mgg, tagal na nako nalayo sa blogging, hehehe. :)

    [Reply]

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*