Masarap, Malinamnam, Katakam-takam

Ipikit mo ang iyong mga mata. Dahan-dahang buksan ang bibig, isiping may ipinapasok na kung anong kay sarap. Kay linamnam. Katakam-takam. Mainit-init, naghuhumindig. Pagkatapos ay lalasapin pang lalo habang ang dila’y lumilingkis sa pagnanasang lalo pang tumindi ang kasarapang natatamasa.
Pagkamulat ng mata, sabihin ang mga kataga: masarap, malinamnam, katakam-takam.
Pero teka, kaibigan, ipikit muli ang iyong mga mata. Pagkatapos ay mag-isip. Malalim na pagninilay-nilay. Hindi ba’t mas maganda kung ang sarap, linamnam, at takam ay di lamang nanggagaling sa pagsubo ng bibig? O sa pagdantay ng balat sa balat, ng bisig sa bisig? Hindi ba’t mas nakapupukaw ng diwa ang sarap na nagmumula sa pag-iisang bigkis ay di lamang tawag ng laman? Iyun bang sarap na dulot di lamang ng pagpasok ng naghuhumindig sa bibig, kundi ng isang di mawaring kung ano, pumapasok sa bawat butas ng katawan — mata, ilong, bibig, maging sa pagkaliit-liit na butas ng balat, nanunoot, simisiksik sa bawat hibla ng kalamnan, tumatagos sa buto, dumadaloy sa mga ugat, sumasaliw sa dugo’t pagkarating sa puso’y kumakatok, sumasabay sa bawat pagtibok?
Mas masarap, mas malinamnam, mas katakam-takam ang magmahal ng tunay. Ng dalisay.

Possibly Related Entries:
- Seducing the straight, “-er” types
- Ada’s Dream Come True
- The 27-Year-Old Gay Matrona
- Saan Nagtatago si Happiness?
- Body Scrub + Massage at Revivir







July 19th, 2008 at 3:58 am
aw!
June 1st, 2008 at 4:21 pm
Hiyah, can’t decipher what’s this letter or poem all about but it really tickles me but at the end, if it talks about love then its really sweet and something that we dreamed of. I just hope that i can experience this or probably find the man who can give me this which is LOVE…..i guess its only a fantasy nowadays esp. if all gays out there will not use anymore their puso but rather use their puson….soooo sad i don’t know if there’s love so true now a days….just as you said “mas malinamnam, mas katakam-takam ang magmahal ng tunay” good job whoever wrote this, something to ponder and tickle us….
May 27th, 2008 at 3:13 pm
jimq29, i like you poem so much!
May 27th, 2008 at 12:53 pm
ang lalim! di ko matarok.
May 26th, 2008 at 3:07 pm
anung kabalbalan itong natikman?
aling bagay ang dinidilaan?
candy, lollipop, sandatang kalibugan?
o drogang elixir na kabaliwan?
emoterang Kengkay, pakilinaw lamang!
turan ang saad nitong kabadingan!
bago magbinhi ng ka-salaulaan!
pikit, mukat man mga matang malamlam!
May 26th, 2008 at 10:22 am
Ang galing migs! ang husay ng pagkakasulat! hindi utak ang nagsulat at nagdikta sa iyo nito: PUSON, este PUSO! =)
May 26th, 2008 at 1:53 am
mareng migs, naku, patay tayo jan. sa tingin ko malabo. hahay, buhay nga naman natin.
May 26th, 2008 at 1:25 am
watch nyo na lang ako sa xtube. hehe. mas hot yun.
david lee
May 26th, 2008 at 1:23 am
soz.. kaechosan..hehe
May 26th, 2008 at 1:14 am
first! haha.
anu to. anlaswa. haha joke..
May 26th, 2008 at 1:04 am
Oh yes!
Ang sarap!