Valentine-flavored Email
A Valentine-flavored forwarded email about, what else, LOVE that made me smile smirk today. My favorite lines:
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot.) Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
But really, I have no time for love. Not now. Not soon. (Sheesh, who am I fooling?! Grrrr!)
Ang puno’t dulo ng pag-ibig
Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo diba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot.)
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”
At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ‘ko sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko. Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.
Possibly Related Entries:
- You may subscribe to this site
- Arnie
- The Tiburcio Series
- Contact
- Get That First Date via Email
- Pinoy Hunk of the Year
- “Am I gay?” - the conclusion
- A Couple More RoXXXanne Tix
February 13th, 2007 at 5:45 pm
it’s funny coz it’s true. nice site migs. you got me hooked in it.
February 13th, 2007 at 10:18 pm
ibang klase ka talaga! migs
sabi nga ni gibbs cadiz … applaude applows! hahaha
si lily of the valley yata yon ! “turoonn!”
February 13th, 2007 at 11:02 pm
Hay migs, mag drama ba? Pero agree akew sayo! Asan na pic mew na pinangako mo sa akin? Full-frontal, ha?
February 14th, 2007 at 7:43 am
Migs!
May tama ka.. pasok ka!
February 14th, 2007 at 10:27 am
migs! ang galing mo! anong diskarte ko? atras ako, abante si migs!
February 14th, 2007 at 11:18 am
SAKTO!
February 14th, 2007 at 1:48 pm
kabogera ka!!!!!!!!!!!!!!
February 14th, 2007 at 1:56 pm
parang ayaw ko na ma-inlove….hirap na hirap n ako….
February 14th, 2007 at 3:22 pm
“Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!†biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar.”
NAKUUU! Asuuuuus, hindi yan totoo. Ilang beses ko nang sinubukan yang reverse psychology na yan. Ilang beses ko nang may-I-declare-to-the-whole-universe na “I’m through with love!” and the universe, nay, the MULTIVERSE answered me back, “Ok, fine. Whatever.” With matching fingers-forming-the-letter-W.
February 15th, 2007 at 6:59 am
Ay, mag tagalog ba? cute naman naman basta tungkol sa pag-ibig.
February 15th, 2007 at 1:41 pm
Love is not all about feelings. It also about decision. There is no right or wrong decision…what is important, be responsible in every decision you make.
Magmamahal pa rin ako kahit hindi nila ako iibigin.
February 15th, 2007 at 3:58 pm
Share ko lang ‘to……
I read this somewhere, hindi ko alam sino sumulat.
Waiting for that someone who has the magic to make me fall in love again…
Sometimes we close our eyes
and just listen to the echoes of our hearts.
We all fall in love
and there are times when we love so much
that we lose ourselves in our own emotions.
More often than not
we wonder why there are love that grows
and love that grows cold.
We would start to search for answers
and try to find where love has gone wrong.
But in the end we find ourselves, where we started
for we cannot question love when it has its own reasons.
Love will always be as it always has been ….
silent, mysterious and deeply profound.
Many of us believe that love is forever,
that love never dies,
only to be disillusioned in the end
when we find our hands empty,
and our hearts longing.
We mistakenly have looked at love as a need to be fulfilled.
But love is only a gift given to us.
We should not hold it in our hands
for we may never find the strength to let it go
when it decides to leave.
We should only embrace its warmth and glow while it last
and then freely open our arms
when its time to say good bye.
When we fall in love with someone,
we don’t want that feeling to end
for it is everything we are,
everything that we wanted to be.
We pray that love will stay and grow in our hearts.
But, if it doesn’t
then we should never let our lives be taken by it,
for life should not end where heartaches begin.
There is always a reason why we have to move on.
When we have to say goodbye
to the feelings we wanted to stay forever,
let us not wave our hands with a heavy heart.
Love will have to set its wings free
and find the place where it belongs.
We may have lost it
but then again,
when we close our eyes
and listen to the echoes of our hearts,
we hear it resounding silently forever.
Then we’ll know that it has never left us,
for the good that we have become because of love will always stay.
Its always been there reminding us
that we should be thankful and happy,
Not because we have lost love,
but because, for once in our lives,
that feeling lived in our hearts and make us happy.
February 15th, 2007 at 8:58 pm
ganda…