A tribute, and a story
Once in a while I get letters that deeply touch me. This is one of those. Steve left this as a comment in my previous post, “Quitting Manila Gay Guy.” While he says it is a tribute to me, the background story is something worth reading. His story is so palpably real and touching. Read on.
A Tribute to Migs, the Manila Gay Guy
Hi Migs,
This is my story, but at the end, you will know why I consider it as a tribute to you. I’m afraid this piece is a bit long, but please bear with it. (For readers na ayaw ng mahahabang messages, lagpasan n’yo na lang ‘to). This is my first attempt, at communicating to you Migs, after reading your post “Is God Against Gay?” I think last August 28, 2024. Funny pero ngayon ko lang na-realize na isang taon ko na palang binabasa blog mo, without even telling you so I think its time na idagdag ang boses ko sa clamor ng bayan na dapat magpatuloy ka.
I’m an activist, na nagkataong gay. As a union organizer, I joined the underground movement in the late 90’s. Pangulo ako ng isang union kaya mabilis ang pagtaas ng ranggo ko sa kilusan. I’m happy, until abutan ako ng ilang debate sa loob, regarding “ideological questions”. I have may own questions that nobody seems to quite answer to my heart’s content. So I left the movement. Ngayon ay active ako sa ilang ngo’s. At least dito, concrete ang naitutulong ko sa mga nangangailangan ng tulong. Sa pagtulog ko sa gabi, payapa ako knowing na I’ve done what I can para maibsan ang kawalang katarungan ng mundong ito.
No’ng nasa movement pa ‘ko, I’ve met this guy, straight guy. Since sa leftist movement ay kinikilala ang karapatan ng babae na manligaw sa lalake, extended ang karapatan na ito sa mga bakla na manligaw sa lalakeng kadre, o ang lesbiyana sa babae. As long as wala pang mga ka-relasyon o asawa yong nagugustuhan mo. This guy is a member of a core group ng isang pabrika na ako ang tumatayong lider/organizer/adviser. So nakakasama ko siya halos kada araw. You can only imagine. And the group, composed of 7 straight guys, happened to be in their twenties and 5 of them good-looking. It’s the sheer strength of my discipline, part of my training sa movement, kung bakit hindi ko sinasamantala ang mga hindi mabilang na gabi na nakakatabi ko sila sa pagtulog.
Ang lalaking ito, Mike ang pangalan pala, sa una pa man, ay malapit na sa akin, kaya kami talaga ang laging magkatabi sa pagtulog. Minsan ay nagtapat ako sa kanya, habang hinihintay namin ang iba nyang kasama. Pagkatapos non, tumingin lang siya sa akin, mga 26 heartbeats siguro, at napakatagal no’n para sa akin. Tapos ngumiti siya ng tipid. Then sabi nya, matagal na n’yang alam o nararamdaman na may gusto ‘ko sa kanya. In fact pag magkatabi kaming natulog, sinasalat daw niya ang underwear n’ya tuwing umaga para malaman kung may night emission sya, syempre ginalaw ko siya. He was really expecting it at hindi rin naman daw siya magagalit, deadma (although we both knew na bawal ito sa kilusan dahil isa itong sexual exploitation, and I can be expelled sa isang sumbong mula sa kanya, pag napatunayan na totoo). Pero no’ng matagal na wala naman daw nangyayari sa kanya, lalong tumaas ang pagtingin nya sa ‘kin, higit pa nang magtapat ako. Pero yon nga lang sabi nya, may GF na siya at ikakasal na. Sabi ko, hindi ako umaasa, pinapaalam ko lang sa kanya. A year after, umalis siya sa grupo namin, and joined the new people’s army. Nag-iwan siya sa akin ng sulat, pero normal itong means of communication sa amin kaya isinantabi ko lang.
After twelve months, I’ve read a newspaper hinggil sa enkwentro ng military at grupo ng npa. Ang description ng isang npa ay eksakto sa physical description ni Mike. Since wala na akong access sa leftist movement, I wasn’t able to join a group who tried to recover his body. Ang hirap pala pag hindi mo nakitang ilinibing ang bangkay ng taong mahal mo. Wala kang choice kundi ilibing siya sa puso mo, at araw-araw mong dala-dala ang sakit. Then naalala ko ang sulat nya. What I’ve read is really something na nagpa-iyak sa akin: “Kasama, hamo, ipagtatanong ko sa itaas sa mga “matatanda” kung pwedeng dalawa ang ka-relasyon ko. Isang babae at isang bakla”.
Pero ano ang kaugnayan nito sa blog mo? That was the time na accidentally kong nabasa ang nabanggit na article. Mula noon, hooked na ko sa manila gay guy. Matapos yong nangyari, nagdesisyon ako na mamahalin ko na ng mas lalo ang sarili ko, lalo na ang aking sexuality. Marami na akong natulungan, marami sa kanila ay ni hindi ako nakilala, its time na tulungan ko naman ang sarili ko. I’m in my early thirties and still a “virgin”, clinically. I visited several massages/spa for men, both legitimate and illegitimate, following a lead from one of your posts. I even tried this “extra service” without penetration. I’ve enjoyed the massage, but not the extra service. I don’t know kung bakit, pero ang naalala ko noon kay Mike, kahit magkatabi lang kami, parang kaya kong mag-orgasm.
Your blog kept my sanity intact, better than the several psychiatrists and psychologists I’ve tried visiting, during my lowest moment.
Migs, hindi pa kita nakikita, but I love you as a person, as a friend. I disagree with some of your views; disagreed with your readers’ views, but that’s fine. Hindi ko ma-imagine ang mundo na iisa lang ang hugis o kulay ng mga bagay.
Like you, I am also dating a basketball player for four months now, and I don’t know how to say this, but nagkataong Mike din ang pangalan n’ya. But that’s another story.
And by the way, this blog is a concentration of the most intelligent and sensible people na nakita ko, at least based sa mga messages nila, and that itself is reason enough why this blog should continue. At paano kung marami pa palang tulad ko?
Steve, thank you. You made me cry with your story.
Possibly Related Entries:
- Bishonen, a tragic HK gay story
- “Aubrey Miles” electrocuted, dead
- Big Eden: Lovely, Romantic, Gay
- Twilight Dancers: disappointing
- Gay Idol: Vanessa (2)
- Know What You Want
- Story of A Love Lost, by Barako
- Cheers to two years!
August 25th, 2007 at 1:25 pm
Wow! Nice! Kakaiyak! Na-miss ko tuloy lalo ang Pinas! Waah!
August 25th, 2007 at 1:53 pm
wow… somehow i can feel your pain… I wish you enough of everything in life…
August 25th, 2007 at 1:54 pm
i pray that you are no longer in pain… siguro di mo pa rin makalimutan…
August 25th, 2007 at 2:15 pm
Nice story…
August 25th, 2007 at 2:36 pm
i will fervently wish that you get the most out of this life…u deserve it!
August 25th, 2007 at 2:59 pm
aray ko! nadama ko yun… I really hope things would be better.
August 25th, 2007 at 3:37 pm
This is enough reason for me to keep my “Dodong” back into my arms.
Thanks Steve and Migz for a heartwarming lifestory.
Umiyak na naman ako…waaaaaaaaaaah!
August 25th, 2007 at 6:00 pm
wow nice… i wish someone would say the same thing about my blog haha
August 25th, 2007 at 11:48 pm
cheers to migs and steve. God bless us all everyone.
August 26th, 2007 at 12:35 am
August 26th, 2007 at 1:43 am
nakarelate ako sa “being an activitist” but i did not go thar far of joining the underground movement. Lalo akong napaiayk sa love angle ng estorya mo STEVE, somehow my familiarity rin sa mga karanasan ko sa pag-ibig bilang gay. Ewan ko kung sadyang pinaiikli lang ng DIYOS ang magandang relasyong gay-to-straight guy dahil namatay din ang aking first love ng maaga. He had a gf but may panahon din cya sa akin at sa tingin ko pantay ang oras na ibinigay nya sa amin ng gf nya. Ang mahalaga mas mabigat ang timbang ko kesa sa gf nya dahil sa akin ang mga gabi. kaya lang yun nga binawian agad cya ng buhay ng maaga. Malungkot man ay na overcome ko na rin ang sakit ng kanyang pagkawala at naka moved-on na ako. Kay MIGS nmn, wag mo nmn kaming ulilain, sumasaya na nga ang aming mundo dahil sa mga opiions ng mga kaftids dito sa “MGG” saka ka nmn mawawala? Alam kong nahihirapan kang mag budget ng time mo kasi nakakaabala rin ang pag aasikaso mo rito pero please consider us w/ur final decision. But whatever ur final verdict, irerespeto ko yan. Salamat sa nakaka aliw at informative na “MGG”.LOVE & Peace to all!!!
August 26th, 2007 at 2:29 am
grabe thats a great story….. i always wonder bakit tayong mga bading maraming sad stories….. kokonti lang yun mga bagay na magaganda divahh….. but kahit na karaminhan sa ating sad life masaya pa rin tayo as gay….guy…… gnon talaga sigro ang life….. kailangan BE HAPPY…….
hay…… miss ko talaga pinas…. kakamis talaga
August 26th, 2007 at 3:45 am
very touching. i could never imagine myself to have lost a true love like that without having said goodbye in a more personal way.
migs, your blog really does touch people’s lives. and with your more mundane posts, helps people touch themselves. hehehe
but the last bit got to me. “this blog is a concentration of the most intelligent and sensible people na nakita ko.”
hehehe… this one made me smile.
August 26th, 2007 at 1:32 pm
migs,
you implicitly helped everyone of us. maraming salamat.
steve,
your story is a proof the “essence” of sex is not carnal hunger but fusion of the heat (feelings) of two lovers.
maraming salamat.
August 26th, 2007 at 3:16 pm
wow. that story is piercing. the pain was palpable.
August 26th, 2007 at 7:36 pm
thanks steve for sharing this….. isa kang tunay na tao na nakakaramdan sa damdamin ng iba lalo ng nakkarami. you are a true and living example ng isang human being. continue touching other people’s lives. mabuhay ka at ang mgg!!!
August 28th, 2007 at 10:40 am
Ka Esteban, Mabuhay ang Kilusan!!!
Kelan kaya natin maririnig boses ng ating mga sis sa Army or sa PNP.
August 28th, 2007 at 4:39 pm
ang ganda namang material ng story ni ka steve for a movie?!
September 1st, 2007 at 7:15 am
naluha talaga ako while reading this.
honestly i don’t feel that lightly towards members of leftist or other groups that oppose the government because i believe that it by working along with the government and not by making it look bad that will help everybody else. pero i guess if we’ll look into each persons’ hearts we will discover things that would make us better persons.