Saan Nagtatago si Happiness?

Here’s a post contributed by an MGG reader. Thank you for sharing, Jaymar!

* * *

November 11 2007, Sunday afternoon. I went to Robinson’s Ermita para lang maglibang, mamasyal, window shopping ( hehehehe.. wala kasi pambili ) . Habang gumagala ako sa loob ng mall, ino obserbahan ko lahat ng mga taong nakikita ko. May batang umiiyak dahil ayaw yata ibili ng toy ng nanay nya (alam kaya ng batang to’ na wala rin sigurong pera ang nanay nya kaya ipinasyal na lang sya nito? ) . May magkasintahang kumakain sa Wendy’s ( parang day off ni Inday at Dodong) . May isang pamilyang napakasaya na namimili ng mga gamit sa Bench ( rich sina mama at papa ) . May grupo ng mga effem na bading na maiingay at masasaya ( wish ko lang wag lumawit sa igsi ng skirt ) . May mag jowang discreet na tipong nag aaway sa labas ng sinehan ( naku sino ang girl at sino ang boy , hahahahah ) At meron ding isang dalaga na lumapit pa sa akin para alukin ako ng credit card ( si ate sobrang persistent ) . Ibat ibang mukha, iba’t ibang tao, iba’t iba ang buhay… pero isa lang ang gusto sa buhay… KALIGAYAHAN.

After ko kumain naglakad lakad ulit ako. Umikot ng umikot para mapagod. Nang mapagod, naiisip ko ng umuwi. Habang naglalakad ako palabas ng Rob. Nadaanan ko ang Activision isang video shop. Pumasok ako sa loob at nagtingin tingin. Pagpunta ko sa tagalog movie section, may dinampot akong dvd. Saan Nagtatago si Happiness? yun ang tittle ng movie. Lumang film na siya at di ko alam na merong palang ganung movie. Pero hindi yung movie kundi yung tittle ang nakatawag ng pansin ko. Lumabas ako ng mall pero hindi mawala sa isip ko ang tanong na iyon. Hayyyyyyyy….

Saan Nagtatago si Happiness? Saan nga ba? Sana nabibili ito. Yang ang mga bagay na gumugulo sa isip ko habang nakasakay ako ng taxi pauwi. Kung iisispin mo, madaming bagay ang nakakapagpaligaya. Maraming paraan para lumigaya. Pero saan ba ako habang buhay liligaya? I still remember nung bata pa ako. Wag lang ako mautusan ng nanay ko na mamili ng paninda nya… masaya na ako. Bigyan lang ako ng limang pisong baon, sobrang saya ko na nun. Habang tumatanda, nag iiba na rin ang mga bagay na nakakapag paligaya. At this stage of my life… iniisip ko bakit ang hirap lumigaya. Nagtatago nga ba talaga si Happiness? Marami akong gusto. Marami akong mithiin. Pero isa lang ang pangarap ko… Ang magkaroon ng isang taong mamahalin ko at mamahalin din ako.

Maraming beses na ako nagkaroon ng relasyon. Iba’t ibang pangalan. Iba’t ibang pagkatao. Iba’t ibang ugali… pero iisa ang kinahinatnan …. nauwi sa WALA. Tinatanong ko tuloy sa sarili ko, kung nagtatago si Happiness… posible rin kaya na umaalis din si LOVE? Sa mga napagdaanan ko… ako ang naiiwan. Ako ang nawawalan. Pero kahit na ganun, eto pa rin ako.. naniniwala na meron talagang HAPPILY EVER AFTER. Naniniwala ako na mayroon isang taong itinakda para sa atin. Kaya nga may salitang SOULMATE. Pero sa mga bakla ba uso kaya ang salitang yun? Palagi kong naitatanong sa sarili ko.. “Nasaan ka na?” “Kelan ka ba dadating?” “Gusto ko ng lumigaya” (teka movie ni POPS yun di ba? hehehehe) pero seriously, yang ang mga tanong ko na hanggang ngayon naghihintay pa rin ng sagot.

Masarap magmahal at ang maramdamang mahal ka rin ng taong mahal mo. Oo as in sobrang sarap. Naranasan ko yan eh. Pero may FOREVER ba sa salitang love? FRIENDS FOREVER oo meron. Eh LOVERS FOREVER meron din ba? Sa BOY & GIRL relationship (parang GLOBE yan eh) POSIBLE. Pero sa mga katulad ko? Alam ko karamihan din sa inyo ganyan ang tanong. Isa lang ang sasabihin ko about that.. HAVE FAITH! (hindi Faith Cuneta ah)

Sa mga kagaya ko na ganito rin ang mga tanong. Wag kayo mapagod magmahal. Wag kayo maniwala na pagnagmahal ka kailangan handa ka ring masaktan. May katotohanan yun, Oo totoo. Wala naman taong nagmamahal ng hindi nasasaktan eh. Kasi pagnasaktan ka at nalampasan mo ang sakit na iyon. Doon mo nakikita si Happiness. Dont ask me guys na ” So.. kailngan pala munang masaktan bago ka lumigaya?” . Maling katwiran yan. Makikita mo si Happiness kasi nagmahal ka. Iniwan ka man nya o sinaktan, masaya ka kasi di lahat ng tao nakakapagmahal ng totoo.

Kaya ako… nasaktan ako Oo. Pero masaya ako kasi alam ko na gumagana ang puso ko. Hindi ako nagmahal para masabi lang. Hindi ako nagmahal para may pang display lang. Nagmahal ako. Nagmahal ako ng TOTOO at MASAYA AKO!

Si Happiness pala nakatago lang sa likod ni LOVE !!!

[Text by Jaymar E.]

del.icio.us:Saan Nagtatago si Happiness?  digg:Saan Nagtatago si Happiness?  spurl:Saan Nagtatago si Happiness?  newsvine:Saan Nagtatago si Happiness?  furl:Saan Nagtatago si Happiness?  reddit:Saan Nagtatago si Happiness?  fark:Saan Nagtatago si Happiness?  Y!:Saan Nagtatago si Happiness?

 

Possibly Related Entries:

20 Responses to “Saan Nagtatago si Happiness?”

  1. marvz Says:

    same sentiments here…

  2. phoenix Says:

    same here

  3. PJ Says:

    Kaiiwan lang din sa akin ng bf ko last month. Masakit… hanggang ngayon may mga gabing umiiyak ako. Pero kung iisiping mabuti, kaya ako nalulungkot at nasasaktan ay dahil nagmahal ako nang tunay. Ibinigay ko ang lahat ng maibibigay ko at wala akong ipinagdamot. Masaya na rin ako kasi napatunayan kong kaya kong magmahal-at napakasarap magmahal. Sa ngayon, in the process of moving on ako. Mahirap, masakit, pero kakayanin ko.

  4. sheveree Says:

    our feeling is mutual?! i still confuse to continue my relationship with this guy knowing na yun lang habol nya?! pero masaya aq pag kasama ko sya., i know our relationship will not last that long.base narin sa mga past experience q. with this guy gusto ng isip to continue kung anu nararamdaman q kaya lang may nagsasabing dont continue kasi nga di naman daw ganoon magtatagal?! anu ba yun guaranty na with this person ayan for life nayan? eto fling lang.ha ewan?!!!!ang gulo kaloka?!! basta alam q parang walang lalaki talagang magmamahal ng totoo.

  5. toouglytobetrue Says:

    mahirap talaga hanapin si happiness …. pero minsan, di na rin yata dumadating yun eh…. pero habang may buhay…may pag asa :)

  6. ReY Says:

    Ay naku jaymar..infairness touch naman ako sa ginawa mong kwento..infairness totoo naman lahat ng pinagsasabi mo..kung nabibili lang yung happiness isa na ako sa suki nun..well no matter what happened jaymar, i know mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon..but naniniwala ako sayo..kaya mo yan..siguro di tlga si (THE X) sya para sau..but i know na ur still hoping na magbago isip nya..den bumalik sya sau…sabihin na natin pinagpasa pasa na natin ang KORONANG “MS. HOPE” for me wala naman masama sa ganung ugali..bakla lang tau..nagmamahal..at nasasaktan..(parang narinig ko na ito??) hehee…So.. just wanna say congrats and see you sa Birthday ni Niki ok? love lots…
    Rey ^__^

  7. sharlot Says:

    same feelings. ang hirap tlaga magmahal lalo na sa mga katulad atin. but we should be happy we feel how to love and be loved

  8. chuchucaracas Says:

    charito solis!

  9. Kiro Says:

    I learned not expect too much. I settle on living the moment and enjoying it on a day to day basis. Fleeting it may always seem but the saying helps. “It’s better to have loved and lost than never to have loved at all”. Let’s all love unconditionally.

  10. rommel Says:

    Taray ng short story ni bakla

  11. jetblue Says:

    talaga naman c migs.. right on target palagi ang mga posts.. makes me miss rob place ermita.. madamidami din akong naging frends jan sa, ehem, fitness first hehehe..

    i hope u dont mind but i have to disagree.. c happiness hindi palaging nsa likod ni love.. pwedeng nsa gilid, pwede din sa harapan (pilosopo hehe).. but seriously, happiness doesnt always have to come hand in hand with romantic love.. a lot of times, its a choice.. regardless of what weve been through in terms of relationships, we can always choose to be happy..

    tanungin mu pa c kate monster.. :)

  12. sm0ker Says:

    agree with jetblue..happiness is a choice..dont have to be romantically in love to be happy..

  13. lordrommel27 Says:

    angganda ng pagkakasulat nya. iba talaga pag Filipino. namimiss ko na talaga ang Pilipinas. hay!

  14. Ochee Ocampo from Philippines [email protected] Says:

    Hi Migz!

    Just want to share my poem dedicated to my partner for 3 1/2 years. I made this poem after I realized that ” may lugar pala ang mga gays sa tunay na pag-ibig at respeto mula sa isang straight guy”

    Hangin Sa Damdamin

    (Ochee Ocampo)

    Nang ang mga mata’y
    Napako sa isang banda
    Napukaw ang puso
    Na noo’y di masigla

    Umiko’t lumingon
    Dala’y pag-asa
    Na makilala ang mukhang
    Hindi sasalba

    Isang oras mahigit
    Mga mata’y lumagkit
    Sa taong ang hatid
    Hindi mawaring pilit

    Nag-usap ang diwa
    Ng dalawang di alam
    Ang pangyayaring hatid
    Sa mga diwang dating pikit

    Lumipas ang araw
    Madalas na mapukaw
    Ang damdaming dating tunaw
    Sa puso’y lulusaw

    Sana ang pag-asa’y
    Yumabong ng tunay
    Sa diwa’t puso
    Tunay na patnubay

  15. jhepy Says:

    sino si charito solis?

    ayos an yung mga comment may artista pa nasali?

  16. rakefed Says:

    true yan mahirap hanapin si happiness but some other people find thier happiness in some other ways nga lang hindi sa love,but still happy pa rin sila,hay buhay nga naman.

  17. peppoi Says:

    Wow! Parang kwento ko rin. I was just at the mall a few days ago; basically having the same thoughts. Yun nga lang, I am in the process of falling in love. I don’t know what to do right now…I have been in and out of this for too many times now, and you’d think that I should be an expert already…but no!; I am back to being a newbie. God! Help me! I am feeling so scared right now about getting hurt…
    So, I found Happiness kaso you have to take Fear, his real twin brother; …Hayyy, buhayyyy… The only way I have to tell myself that I’m above the situation is to be a player…this way; if he moves away…I’d be fine….shoot! I hate my situation right now…ahhhh!
    :’- (

  18. Anino Says:

    Maaari bang sabihin na “happiness is real,but temporary”?

  19. dennis Says:

    Kanya kanyang take ng pagsubok yan. Tayo naman kasi may kanya kanyang level ng emotional quotient. Simply put, one’s take of happiness or frustration highly depends on his maturity level.

  20. jet Says:

    text lng yan? ang haba ha..

Leave a Reply



WordPress Lightbox JS by Zeo